ICT ANO ITO?





Ang ibig sabihin ng ICT ay tumutukoy sa iba't ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa komunikasyon upang magproseso,mag-imbak,lumikha at magbahagi ng mga impormasyon. Ilan da halimbawa ng ICT ang radyo,telebisyon,smart phones,computer, at internet. 
Ano nga ba ang ICT Strand? Ang ICT Strand ay isang uri ng akademikong asignatura kung saan kinapapalooban ito ng tungkol sa teknnolohiya at pakikipag komunikasyon. Ang ICT ay pinagtitibay o binibigyang kapangyarihan ng teknolohiya. Maraming mga mag aaral na nahuhumaling sa Strand na ICT dahil narin sa teknolohiya at makabagong pamamaraan sa paggamit nito. Ngunit ano nga ba ang porpos ng ICT? .. Ito ay makakatulong upang mapalawak ang kaalaman ng mga nag aaral ng ICT sa pakikipag komunikasyon, pag gamit ng internet, sa pag gamit ng makabagong teknolohiya at iba pang mga layunin nito. Ang ICT ay naglalayong matulungan ang mga kabataan at abg iba pang klase ng indibidual sa pag gamit ng teknolohiya. Ito ay nag sisilbing guidlines upang magamit ng wasto at tama ang mga makabagong teknolohiya. Mahalaga ang Gampanin ng ICT dahil ito ang namumuno o nag bibigay ng aral tungkol sa pakikipag komunikasyon at sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Maraming mga tao ang hindi pa gaano ga'non ka eksperto sa paggamit ng teknolohiya kaya naman isa rin sa layunin ng strand na ICT ay mapalawak ang kaalaman ng bawat indibidual sa paggamit ng teknolohiya.

Ang pinakapangunahing tinatalakay sa strand ng ICT ay ang tamang paggamit ng Kompyuter. Inilalahad dito ang mga ibat ibang gamit nito. At pati narin sa paggamit ng ibat ibang software halimbawa nalang ng Photoshop,Animation , at ang paggawa ng sariling website o HTML (Hypertext MarkUp Language). Ito ay makakatulong upang magkaroon ng advamce na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa ICT para maging handa sa pagkokolehiyo at para narin magkaroon ng mganadang trabaho ang mga mag aaral sa ICT strand.




Malawak ang sakop ng ICT, kaya naman isa ito sa mahahalagang dapat matutuhan ng bawat indibidual. Dahil ang mundong ating kinagagalawan ay unti unti ng nagiging progresibo sa teknolohiya. Dapat ang lahat ng tao ay may alam at handa sa ano mang pagbabago ng teknolohiya sa atin. Huwag hayaang tayo ang kontrolin ng teknolohiya, bagkus tayo dapat ang nagkokontrol sa kanila dahil narin tayo rin naman ang dahilan kung bakit ang teknolohiya ay buhay ngayon. Malapit narinng maging kabilang sa ating basic needs ang teknolohiya dahil sila ang kasama natin araw araw, at araw araw rin tayo gumagamit ng teknolohiya.





Malaki na ang naiaambag ng teknolohiya sa mundo. Maraming mga bansa ang umunlad dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Kaya kapag nawala ang mga teknolohiya, magkakaroon ito ng malaking epekto satin lalong lalo na sa ekonomiya ng ating bansa. Ang ICT, ay isa sa dahilan kung bakit patuloy ang progresibo ng makabagong teknolohiya sa ating bansa. Kaya ipagmalaki mo kung ikaw ay ICT. Malaki ang maitutulong mo sa pag unlad ng ekonomiya ng ating bansa at makakatulong ka rin sa mga taong malimit palang ang alam sa paggamit ng makabagong Teknolohiya.

Ang ict ay isa sa pinakamalaking sahod sa buong bansa, dahil ito may kakayahang gawin o alamin ang gusto mong malaman ukol sa teknolohiya, hindi ka rin mahihirapan alamin kung ano na ang nangyayari sa bansa dahil ang teknolohiya ay palaging anjan, hindi mo na kailngan sumulat.mas mapapadali at napapabilis ang lahat ng gawin.

HINDI maitatatwa ang kahalagahan ng information and communication technology sa pagtulong sa mga pamahalaan sa Asia na mapadali, mapataas ang antas at magpapababa sa halaga ng healthcare para sa mga lahat ng mga mamamayan ang  paggamit ng ICT ay nangangahulugan na magkakaroon ng mas mabuting data. Tayo ngayon ay namumuhay sa makabagong henerasyon kung saan teknolohiya ang ginagamit ng karamihan. Kung iyong iisipin, nakapakaraming naidudulot na maganda ang teknolohiya, napakalaking tulong niyo saating mga gawain pati na rin sa ating trabaho at pag aaral. Ito ay nagiging masama lamang kapag ito ay ating ginagamit sa maling paraan kung saan inaabuso natin ito, lumalampas tayo sa ating limitasyon at ginagamit natin ito sa maling pamamaraan. Kapag sinabing teknolohiya, ang pinakamalaking nag iimpluwensiya dito ay ang internet. Napakaraming tao ang gumagamit ng teknolohiya dahil ng internet.



Kinakailangan mo lamang gumawa ng isang account at sa paraan na ring iyon ay masusubaybayan ng iyong mga magulang ang iyong pag aaral at makikita rin nila kung ikaw nga ba ay nag aayos ng pag aaral o hindi. Kung noon rin ay sa mga dyaryo nakikita ang mga board passers, ngayon ay sa internet na rin. Kung tutuusin napaka- raming naiitulong ng internet sa mga mag aaral, napakadali nitong matutunan at napaka tipid pa sa oras. Ngunit palagi mo dapat tatandaan ang tamang pag gamit ng internet at huwag na huwag itong aabusuhin. Gamitin ang internet sa tamang pamamaraan katulad ng pag aaral. At higit sa lahat, disiplina at responsibilidad ang kinakailangan.




Comments